http://www.facebook.com/note.php?note_id=445283293077
 
published in : http://definitelyfilipino.com/blog/2011/04/12/publish-note-failed/?sms_ss=facebook&at_xt=4da520cddf1f1e15%2C0

Publish Note Failed

by Grace Remulla Concepcion on Wednesday, January 12, 2011 at 5:18pm

“A question that sometimes drives me hazy: Am I or are the others crazy?”  – Albert Einstein

Ewan ko ba kung bakit na kapag naglalakad ako papasok sa opisina eh, saka dun bumubuhos ang mga ideas sa utak ko… halo-halo na parang kalamay… madikit at medyo kumplikado… minsan masaya… minsan malungkot… minsan blangko… madalas para lang tanga… maraming tanong… maraming plano… pero saan nga ba hahantong ang paglalakbay ko? Darating pa kaya ang pagkakataon na masagot ang mga katanungan ko? At magkakaroon bang katotohanan ang mga plano ko? Siguro naman hindi lang ako ang nagkakaganito… BALIW!

Madalas tungkol sa “status”  ko ang naiisip ko… selfish it may seem  pero at my age, kelangan ko ng i-PUSH  ang subject na ito sa sarili ko… Hindi naman siguro kajologsan  ang mag-isip ng tungkol sa love life, di ba? Lalo na kung nasa “critical”  stage ka na… hmmm… TRUE LOVEFREAKY FACT or EVERYDAY FICTION? Does it really exist? Saan?! Sa Area 51 ? Sa Bermuda Triangle ? O sa Atlantis?

Paano mo nga ba malalaman na TRUE LOVE  na talaga? Kahit nga ang pag predict  kung kelan ka makakapag-asawa o kung sino ang kapalaran mo e hindi kayang hulaan, ang true love  pa kaya? Paano kung ang “true love”  na iyon ay darating pa lang o kaya dumating na pero pinalampas mo na? May 2nd, 3rd or 4th chance  pa kaya? E kung wala na, saan ka na pupulutin? Single Blessed  na nga ba talaga ang tawag sa’yo?


Ayon sa Wikipedia, approximately 6,892,900,000  ang population sa mundo (less 1  dahil hindi ako kasali rito! Hindi ako pwedeng ma-inlove sa sarili ko, di ba?)… sa daming tao na yan, paano ko naman malalaman na “SIYA NA” nga? Paano mo malalaman na siya na si “CHOSEN/RIGHT ONE” (except kung ang pangalan niya ay Choosen o Right, baka pwede pa!)… Bakit “ONE” lang? Sabagay, nobody can serve two masters at the same time…  Bakit double standard  ang society natin? Pag ang babae naging two-timer, sinasabing malandi, haliparot, pokpok, pochahontas, whore, bitch  at kung anu-ano pa… samantalang pag lalaki sinasabing “Uy! Yan ang tunay na lalaki (TNL)… Macho! Maangas! Stud!”  (Gago! Ano ka? Aso na palahian?!) Chura!   Sino ba ang nakaisip ng ideya na kelangan na ganun ang mga lalaki? (Mabasag nga ang mukha!) HMP!  Sabi ng nila “we are all equal when it comes to love”  e bakit parang biased  yata pag ang babae e nagmahal ng higit sa isa? Haist! Ang labo!



Sabi nga ulit ni Albert Einstein (idol ko kasi sya!) – “Gravitation is not responsible for people falling in love”……….. PAANO NGA BA ANG MA-INLOVE? Ano nga ba ang feeling ng “in love”? May mga standards ba yun  para ma-qualify na “LOVE”  talaga yung nararamdaman mo at hindi ibang klaseng emosyon lang? Requirement ba ang “magic” o “spark”  para masabi mo na in love ka talaga? Define LOVE!!! Ma at pa! Hindi ko na yata alam kung ano yan… absent yata ako nun itinuro sa paaralan ‘yan!


So papaano mo nga malalaman na yun na yun?! All along TANGA pa rin ba ako pagdating sa ganyan?! Am I so dense?!

Another set of questions, kailangan nga ba talagang puso ang gagamitin para magmahal? E paano kung nagpa-heart transplant  ka na? ‘Yung laman ba ng puso ng donor mo ang mamahalin mo tulad ng sa mga pelikula? Hindi ba kelangan din ng isip? Bakit sinasabing broken hearted ka pag sawi ka sa pag-ibig? Meron bang broken minded? CRAZY ang tawag nila pag utak mo ang sira, di ba?


Nagtataka lang ako… masyado bang mataas ang standards ko kaya hanggang ngayon e sabihin nating “UNATTACHED” pa rin ako?…  Hindi naman siguro… PERCEPTION lang yun ng ibang tao… Libre lang naman ang magtanong at hindi naman ako nakatira sa 160th floor  ng Burj Khalifa na ganun kahirap abutin… squatter nga lang ako e at NPA (no permanent address) pa… Bakit hindi mo subukang kumatok sa pinto? Pagbubuksan naman kita… gusto mo may kisses & hug  pang kasama… (=P) At kung ganun nga ba akong katayog, e di sana naghanap na ako ng Sheikh na papatol sa akin (sabagay malakas yata ang magnet ko sa mga DOM!)… Hindi naman ako nasisilaw sa karangyaan o kasikatan… simpleng tao lang ako… I believe na the higher the status you have, the higher expectations out of you it would only bring more problems, failures & hurts in your life… mas ok na ko sa simpleng pamumuhay lang… nakakapunta ka sa gusto mong puntahan without worrying na may magpapa-autograph sa’yo or may mga bodyguard  ka na laging nakasunod sa iyo… o kaya nama’y may mga paparazzi  na palaging nakabantay sa mga off-guarded moments  mo… JUST BE YOURSELF!  Ayus lang kung hindi ka PERFECT! Hindi rin naman ako perfect  e! Sino ba naman ako para maghanap ng ganun?!


Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Hindi naman ako monster na iha-haunt  ka for the rest of your monotonous life… Hindi ba trial & error din ang “LOVE”?… Parang computing din: you need to add, su btract, multiply, divide, factor, ctrl + alt + del, spacebar, backspace, insert, home, end, print scrn, F1, Shift, caps lock, enter, tab, page up, page down, up, down, left, right, num lock at delete… Paano nga ba mangyayari ang gusto mong mangyari kung hindi ka kikilos? Kung maghihintay ka na lang, darating pa kaya si “TRUE LOVE”? Or pupulutin ka na lang sa kangkungan? Ano ba talaga, MAGHIHINTAY o MAGHAHANAP? Ay ambot! Ang hirap!


  Simple lang naman ang gusto ko, ang magmahal at mahalin lang ako ng tapat at tunay (ginto?). Enough na sa akin yun…—–> Pero if there would be someone who’ll walk with me sa beach (kasi wala na kaming pamasahe)… someone who would laugh at my corny jokes… someone who would watch those “jolog” movies with me… somebody na kayang gantihan ang mga “cheesy lines” ko… ‘yung hindi maarte kapag niyaya mong kumain sa pishbolan o kaya sa gotohan sa kanto… yung kayang makinig sa rants & raves ko… ‘yung hindi takot na i-criticize ko at matapang din akong i-criticize or ipamukha sa akin ang mga pagkakamali ko… at siguro yung taong tanggap ang lahat ng ka-dramahan, kalokohan, ka-praningan, at ka-“wirdohan” ko sa buhay… malamang SIYA na nga yun… Apparently, hindi ko pa s’ya nami-meet…

Simpleng buhay, sa isang payak na komunidad… isang mapagmahal na pamilya… isang maayos at marangal na trabaho… isang set ng aso’t pusa (basta kahit hindi set ok na!)… til our graying days… wala sanang bibitiw hanggang mag DIAMOND ANNIVERSARY… yun nga nga siguro ang “TRUE LOVE”

Seryoso na ba ito? EWAN ko… BAHALA NA SI BATMAN… Sobrang LABO, di ba?! >_<


Leave a comment